Sabado, Agosto 27, 2016

FILIPINO: Wika ng Karunungan

                                   FILIPINO : “Wika ng Karunungan”
                                                                   -Dave Israel Cajes                         

Ang tema natin ngayung buwan ng wika ay  “Filipino :Wika ng karunungan “  Bakit nga ba tinuring na wikang karunungan ang Filipino ?

Bawat pangkat sa atin ay may ibat ibang wika na ginagamit. Pero meron lamang tayung natatanging wikang ginagamit bilang wikang pang kalahatan daan sa mubuting pakikipag kumunikasyon sa bawat isa at gayun din sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan, at ito  ang wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay may ibat-ibang gamit sa ating pang araw-araw na buhay, ito ay ginagamit sa pagreregulasyon , pang motibasyon,  pang iteraksyon at higit sa lahat ito ang nagsilbing daan sa pagkamit ng kaalaman.

Ang wikang Filipino ay may malaking ginagampanan sa ating buhay sapagkat susi ito para masagip tayu sa kamangmangan. Ang wikang Filipino ang dahilan kung bakit naging propisyonal ang ibang Pilipino , at ito rin ang dahilan kung bakit maraming kabataan ngayun ang nakapagtapos ng pagaaral. Dahil sa wikang Filipino ay napasapasa ng mga tao ang kanalang kaalaman sa kanilang kapwa, kaya marami sa atin ang nagkaroon ng maraming kaalam at naging matalino na sa pagharap ng buhay. 

Hindi mo ba napansin na kapag tayo ay nahihirapan sa pag intindi ng mga salitang ingles ay sinasalin natin ito sa wikang Filipino upang lubos natin itong mauunawaan, dito makikita natin ang kahalagahan ng wikang filipino sa pagkamit ng kaalaman natin.
Sa ating paghahanap ng trabaho alam naman natin na wikang ingles ang syang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pagsagut ng mga interbyu, subalit matututu kaya tayung mag ingles kung wala angwikang Filipino? Alam naman natin na wikang Filipino ang unang wika na natutunan natin kesa sa Ingles, kaya naging pangunahing instrumento ang wikang Filipino upang mas maunawaan natin ang salitang ingles.

Hindi rin naman natin maiitatangi na ang mas ginagamit ng ating pag-aaral ngayun ay wikang ingles subalit ginagawa lang ito ng gobyerno para mas masanay tayu sa ingles at hind maging utal sa pakikipag usap ng mga banyaga. Pero wag natin dapat kalimutan ang ating sariling wika ang Filipino na syang daan sa pagkamit natin ng mga kaalaman at daan sa pagkawala ng ating kamang mangan.

Kung wala ang wikang Filipino ay malamang tayung lahat ngayon ay puro mga mangmang. Kaya ang wikang Filipino ay masasabi nating wika ng karunugan dahil sa pamamagitan nito ay maipahatid natin sa bawat isa ang mga kaalam at karunugan sa ating kapwa sa mas madaling paraan at mas malinaw at madaling maunawaan.

                              






                                      FILIPINO: Wika ng Karunungan

                   Pagsalin ,susisapagtamo at pagpapalaganap ng mga kaalaman at karunungan.
                                                                                  -Dave Israel Cajes



Bawat bansa ay may iba’t-ibanglenggwahe na ginagamit. At ditto sa bansang Pilipinas Filipino ang natatanging wika na ginagamit ng karamihan upang matamo ang pagkakaisa at pagkakaunawaan. Sa kabila ng lahat, may wika din tayong dapat napag-aralan sa pagkat ito’y makatulong lalo na sa paghahanap ng trabaho at pakikipag-usap sa mga banyaga.



Ang wikang Ingles, nangayo’y pinagkasunduan ng lahat na gawing universal na lenggwahe ay dapat at nararapat nating pag-aralan. Hindi sa kadahilanan na gusto nating sumabay sa usong unit ,pra din madagdagan ang ating kaalaman tungkol sa mga bagay na di natinalam.



Batay sa kasulukuyang sitwasyon, maraming batang Pilipino ang nakakaranas ng kahirapan sapag-intindi at pagunawa sa wikang Ingles sapagkat di naman ito pinagtutuunan ng pansin lalo na nung binago ang kurikulum sa edukasyon. Ngunit ,ano nga ba ang kahalagahan ng wikang Ingles? Bakit hindi nalang ang wikang Filipino ang gagamitin sa pag-aaral at paghahanap ng trabaho?



Isang malaking bagay ang naitulong ng wikang Ingles at isa na dito ang pagdagdag ng ating karunungan hindi lamang sa pampaaralan na kadahilanan ngunit sa araw-araw nating pakikisalamuha sa buhay . Ngunit, hindi ibig sabihin na dapat nating kalimutan ang wikang ating nakasanayan at ang dahilan kung ba’t tayong lahat ay nagkakabuklod-buklod.



Sa panahon ngayon, kinakailangan na matuto tayong magsalita at unawainang wika ng mgabanyaga lalong-lalona ang wikang Ingles. Kung paghahanap ng trabaho ang pag-uusapan ,napaka importante na marunong tayong sumagot gamitang wikang Ingles dahil isa ito sa batayan kung ikaw ba ay nararapat sa trabaho na iyong pinasukan.



Ano pa ang silbi ng wikangFilipino ?Kailangan pa ba natin ito? Isang kayamanan na dapat nating ingatan at paunlarin ang wikang Filipino. Maaring magulo at watak-watak ang mamamayan kung walaito. Nagsilbi itong susi upang maintindihan at maunawaan ang mga salitana ‘di natinnaiintindihan, at ang tawag nito ay angpagsalin, Ano ng aba ‘to?



Sa pamamagitan ng pagsalin, nauunawaan natin ang buong kahulugan ng salita o ideya ng isang teksto kung gusto nating malaman ang kahulugan ng isangsalita. Ito ang natatanging paraan upang mas lalo nating maintindihan ang isang banyagang salita at upang mas dadami ang ating kaalaman.



Malaki ang naitutulong ng pagsalin sa ating buhay dahil mas lalo tayongnamulat at nagising sa mga bagay na noo’y nagbigay ng katanungan sa ating isipan. Pinaunlad nito ang ating kaalaman na ngayo’y nagsilbing armas sa mga banyagang nag-aakala na wala tayong alam, pwes mali sila sa kanilang akala !



S kasalukuyan, lumaganap na sa buong lugar ng ating bansa ang susi sa pagtamo ng mga kaalaman at karunungan- angpagsalin . Ito’y dapat pagtuunan ng pansin para sa ikauunlad ng bayan natin .Handa kana ba ?







                                               “Si Dave Israel Cajes”

Ako si Dave Israel Cajes sampling bata na may malaking pangarap sa sarili gayun din sa kanyang pamilya.
Noong Abril 28, 2000 9:15 ng umaga nagsimula ang aking pagtuklas sa kagandahan ng mundo sa bayan ng Tagum Sur, Lungsod ng Trinidad na sakup sa probinsya ng Bohol.  Ako ay ikat lo sa limang magkakapatid kung saan ako lang ang lalaki.
Nga naman, ako ay lumaki sa strikto pero mapagmahal na mga magulang. Lahat ng pagud at pawis na kanilang binubuhos ay paralamang sa aming kabutihan  at ang tanging hangad nila ay ang mapagtapos kaming lahat sa pagaaral sapagkat ito lamang ang susi at daan para masagip kami sa kahirapan,  kaya paligi nila akong inanyayahan na kaylangan kung mag aral ng mabuti upang makamit ko ang aking mga pangarap sa buhay at hindi maging katulad nila na walang magandang trabaho. Sa pagmomotibasyun nila sa akin ay mas lalo akung  nagsumikap mag aral. Kahit hindi ako gaanung magaling  sa akademik pero gagawin ko ang lahat para pumasa at maipagmalaki ako ng aking magulang.
Sa 16 na taung Pakikipaglaban ko dito sa mundong puno ng pagsubok, marami na akong nakaharap na problema . Ako ang klaseng taong hindi sumusuko. Ang lagi ko lamang iniisip na lahat ng problema ay kayang lagpasan basta’t manalangin lang saDyos maykapal. At alam ko naman na walang problema na binigay ang Dyos na di kaya nating lagpasan. Sa aking paniniwala na hindi ginawa ng Dyos ang mga problema at pagsubok para tayo ay pahirapan subalit ginawa nya ito para tayo ay mas maging matatag sa pagdating ng panahon.
Pag pagusapan natin ang aking personalidad,  ako yung taong mapagbigay, mapagmahal, at mapagkumbaba at higit sa lahat mahilig ako magpatawa. Pero hindi sa lahat ng oras ako ay ganito, walang control ang aking bunganga pag ako ay binangga. Sa pangkalahatan ,ako ay mabuti pagmabuti karin sa akin,  pero ako ay masama kapag ganun Karin.
Ang Panginoon ang tangi kong lakas upang malagpasan ko ang aking mga pagsubok sa buhay, sunod ang aking pamilya na nagbibigay lakas sa akin at nag bibigay sa aking mga pangangailangan. Ang aking mga kaibigan ang syang nagpapasaya sa akin kung ako ay malungkot.

Ako rin naman ay isang maabilidad na tao marunong akung mag luto sapagkat tinuturuan ako ng aking mga magulang nito. Pagkukumpuni rin ng mga sirang kumputer ay kaya ko. Isa rin sa mas maganda kung abilidad ay ang pagmamaniho ngsasakyan kung saan maraming ka edad ko ang hindi alam ito.
Sa aking pagtatapos ay ito lamang ang masasabi ko, ako ay sampling tao na mapagmahal sa pamilya , may respeto sa kapwa at higit sa lahat may takut sa Dyos na syang lumikha sa atin.






                                       Kay Ganda sa Bohol "
                                                                           -Dave Israel Cajes
         

Ang Bohol ang syang pinaka paburito kung lugar sa buong mundo. Dito sa lugar na ito marami akung memorya at mga masasayang pangyayari. Dito sa lugar na ito ako pinanganak. Isa sa maganda sa bohol ay ang katangian ng mga tao na namumuhay dito. Kapag sumapit na ang kapistahan ang mga tao ay mag hahanda ng mga pagkain para ipakain sa mgabisita, ang mas nag huhumaling sa akin ay kahit hindi kilala ay pinapakain at binibigyan nila ng respeto, yan ang mga boholanos.

Ang talagang nagpapahumaling sa akin sa lugar na ito ay ang magagandang tanawin dito. Sagana sa magagandang tanawin ang Bohol, kaya naman dagsa ito ng mga turista .

Marahil ang pinakabantog na pang-akit ng mga turista dito sa Bohol ay ang mga CHOCOLATE HILLS. Ang mga ito ay binubuo ng mahigit kumulang sa 1268 hills. Sila ay napaka-uniporme sa hugis at karamihan sa pagitan ng 30 at 50 metro ang taas. Sila ay sakop ng damo, kung saan sa dulong tagtuyot na panahon, nagiging kayumanggi ang kulay na tulad ng tsokalate. Mula sa kulay na ito, nanggaling ang kanilang pangalan .(Fred, 2006)

Ang Bohol ay kilalarin dahil matatagpuan dito ang pinakamaliit na unggoy s abuongmundo, ang TARSIER. Ang Tarsier sanctuary ay matatagpuan sa corella na kamakaylan lang bumakasyon kami ng aking pamilya dito.

Ang Loboc River ay isa rin sa pangunahing destinasyon ng mga turista sa lalawigan ng bohol. Makikita mo rito ang mga “Floating Restaurant” nasyang nagpapaakit ng mga turista na bumusita dito.

Noong nakaraang taon ay sumikat ang mala boracay na beach resort sa Bohol, ang panglao. Dinayo rin ito ng napakaraming turista dahil sa napakalinaw na dagat nito at napakaputi ng buhangin na gaya ng boracay.

Noong taong 2015 ang huli kung pagbisita sa Bohol. Talagang namimis ko na ang kagandahan dito. Hindi lang ang mga magagandang tanawin ang namimis ko sa lugar na ito higit na rin ang aking lolo at lola at iba ko pang mga kaanak na nandoon. Ang hiling ko naman na makakabisita muli ako dito lalo na sa panahon ng kapistahan kung saan nag tipon-tipon ang aming pamilya para mag selebrar nito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento